Sunday, March 11, 2012

Sino ka nga ba sa One More Chance?

Di ako madalas magsulat. Kung nagsusulat man ako, yun ay dahil may ikukuwento ako, oh may hinanakit, o sobrang saya, o inspired, o bored.

Kakapanood ko lang ulit ng One More Chance for the 34th time. Di exaggeration yan, talagang binibilang ko lang talaga kung ilang beses ko ng napapanood ang pelikulang yan. At di pa rin ako nagsasawa. Bakit? Kasi... kwento ko yan eh.

Sino nga ba ako sa mga karakter sa One More Chance? Kung magse-survey ako sa mga kaibigan ko kung sino ang paborito nilang karakter sa One More Chance, malamang karamihan sa kanila ay sasagot ng Popoy at Basha. O kung ano ang paborito nilang linya, malamang "P*tang Ina naman Bash! Ganun ka ba katigas?" o di kaya'y "Ako na lang! Ako na lang ulit!". 
Sino nga bang nakakapansin kay Trisha? (Kung di niyo kilala si Trisha, sya yung karakter ni Maja Salvador). Sino nga bang makakaalala ng mga linya nya sa poignant moment nila ni Popoy? Ako si Trisha. Hindi ako ang bida sa kwento. Sa poster pa lang, wala na ako. Ako yung... yung conflict sa kwento... ako yung rebound. 

Sa ending ng pelikula, makikita mong bumalik si Popoy from Qatar at nagkita sila ulit ni Basha at nagyaya si Popoy na magkape sila at sana maulit yun araw-araw. Kahit di naman sinabing nagkabalikan sila, alam nating masaya sila. At least happy ending sila. Pero ang tanong, ano nga ba ang nangyari kay Trisha? Matapos nyang mag-walk out kay Popoy, saan na nga ba sya napunta?  Nagkaroon ba sya ng bagong boyfriend? Naging sikat na recording artist ba sya? Namatay ba sya? Ano? Sino nga bang interesado? Basta't nagkabalikan ang dalawang bida, sino nga bang may paki kung anong nangyari kay Trisha?

Ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon. :( Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin? Mawawalan na lang ba ako ng saysay sa kwento? Kung tutuusin, ako ang lugi dito eh. Ako ang umasa, nagmahal, ginago at iniwan. Pero wala akong happy ending. Bigla na lang akong mawawala sa kwento. 

Hindi ako ang bida.

Tang ina! Ang sakit!!!


3 comments:

  1. Kuya!! Followed your blog via GFC. hope you could follow mine too :))

    kaifragrances.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. i looooove one more chance and tama ka, panalo rin ang role ni trisha.. makes me realize m lucky dahil never akong naging trisha..

    ReplyDelete