Sa mga Zamboanguenio (sorry, di ko alam kung pano yung enye pag sa laptop ako nagta-type) na tulad ko, alam natin kung ano ang ibig sabihin ng Kutsara Mal Labaw (In english, badly washed spoon). Ang ibig sabihin nito ay sawsaw, epal, pakialamero, etc. etc. Kung bakit Kutsara Mal Labaw ang tawag sa kanila ay hindi ko alam basta ang alam ko, bigla na lang naisip ng mga tao na tawagin ang mga epal ng Kutsara Mal Labaw sa di malamang kadahilanan.
Kutsara Mal Labaw.
Sa mga Manilenyo (enye) na nakasama ko dito, iba ang ibig sabihin ng Kutsara Mal Labaw. May kinuwento kasi ako sa kanila. Tungkol ito sa isang hayop na di ko maalala kung ano ang pangalan kaya pinangalanan ko itong Kutsara Mal Labaw. Alam niyo ba kung ano ang kutsara mal labaw? Ganito ang kwento:
Isang araw, may malibog na rabbit sa kagubatan (di ako sure ha kung sa gubat ba matatagpuan ang mga rabbit). Masaya itong lumulundag-lundag sa gubat nang makasalubong niya si squirrel. Dahil sa curious by nature si squirrel, tinanong nya kung anong klaseng hayop si Rabbit. Sabi ni Rabbit, 'Gusto mong malaman"? "Oo, gusto ko", sagot ni Squirrel. "Gusto mo talagang malaman?", tanong ulit ni Rabbit. "Oo nga sabi eh, kulit", sabi ni squirrel. "Sasabihin ko sayo pero Sex muna tayo". So ayun, nagpakasarap si Rabbit kay squirrel. Matapos ang makamundong kaliksihan ng dalawa, sinabi ni Rabbit kay Squirrel "Rabbit Ako!"..
So ayun, eh di masaya si Squirrel. Nauhaw si Rabbit kaya naisipan nyang uminom ng tubig sa malapit na danaw (pond po, sa di nakakaalam). Nakita sya ni duck. Dahil sa curious by nature si duck, tinanong nya si rabbit "Anong klaseng hayop ka?". "Gusto mong malaman?", sagot ni rabbit. "Oo, gusto kong malaman", sabi ni duck. "Gusto mo talagang malaman?", tanong ulit ni rabbit. "Oo ba, gusto ko", sagot ni duck. "Sige, sasabihin ko sa'yo, pero sex muna tayo", sabi ni rabbit. So ayun, nagpakasaya ang dalawang mga hayop. Matapos yun, sinabi ni rabbit kay duck na rabbit sya.
Dahil sa sobrang napagod at nainitan si rabbit, napagdesisyunan nya na magpahinga sa lilim ng isang puno... pagdating nya dun, may nakita syang isang kakaibang hayop. Ito ang unang pagkakataon na makakita sya ng ganitong uri ng hayop. Tinanong ni rabbit ang kakaibang hayop, "Anong klaseng hayop ka?". Tumingin sa kanya ang hayop at sumagot ng "KUTSARA MAL LABAW AKO!". At nung nalaman ito ni rabbit, bigla syang tumakbo papalayo sa takot..
Napahaba ang kwentuhan dahil sa Kutsara Mal Labaw. Ang gusto ko naman talagang ikwento dito ay tungkol sa mga "AMAZING PEOPLE" na nakilala ko sa Manila... Mga katrabaho ko sila sa office at for security reasons, di ko babanggitin ang mga pangalan nila (ang OA no?) pero bibigyan ko sila ng codenames. Kilalanin niyo sila:
1.) Ang Payaso: sya ang pinakamaingay sa grupo. Nung una tahimik pero nung naging komportable na sya sa grupo, lumabas ang pagiging joker. matampuhin. paborito nya ang kantang "por que" na isang chavacano song. Lalaki sya pero sa katawan lang. :D
2.) Dwarfism: oo. sinabihan ko sya na may sakit sya na dwarfism kasi maliit ang mga kamay nya (tinawag ko rin syang lotus hand na best friend ni lotus feet). pero love ko to. kasi kalog. Sya'y babae pero sa katawan lamang. :D
3.) Artista Boy: Sya na ang artista, ang sikat, ang gwapo, ang magaling, sya na (kahit ako naman talaga). Maporma. At lately nadiscover ko na mahilig sya sa donuts. :D
4.) Debater: oh. ang galing nya. pareho kame ng hilig... current events (echos ako). Mabait at matalino, kaya love ko to (pero mas love nya ako kasi nadama nya sa akin ang 3 K's ng pag-ibig: Kaba, Kilig, at Kapos sa salita).
5.) Dota Princess: sya pinakaunang friend ko sa office. Pretty sya kasi kapatid ko sya sa ina (Goddess Aphrodite). Mukha syang "girly" pero adik sa DOTA!!!
6.) Mr. Iba-ang-meaning-pag-sya-nagsasalita : watch him turn the most innocent of statements to dirty, lustful remarks. Oo, masyadong ambiguous ang mga sinasabi ng lalaking ito. Mahilig sya sa ice cream.
7.) Marian Rivera: Di sila magkamukha ni Marian pero di hamak naman na mas maganda ang babaeng ito. Di rin sila magkasing-ugali kasi ang bait ng babaeng ito. Saan sila magkapareho? pareho silang PSYCHOLOGY! hahaha
8.) Mommy: oh. pareho kameng Taga-Taguig at parati kong nakakasabay pauwi (although napipilitan lang sya kasi gusto nya sa Guadalupe kame bumaba, eh ayaw ko din kasi chaotic, haha, gusto ko sa Ayala). Isa rin sa mga unang friends ko sa office. :) may baby na sya pero di halata. ang cute ng baby nya, parang kapatid lang nya. :)
9.) Miss Head Turner: sya na yata pinakamaganda sa office. yun lang masasabi ko. :)
10.) Miss Oh-my-gosh: oh, straight from London, England. Mapapanose-bleed ka sa kanyang Harry Potter-ish accent. We love talking to her. She's super cool.
11.) Miss Gifted Child: Oh. matalino ito. UP Manila eh... hahaha. sabi ko sa kanya, sa kanya ako magpapa-massage someday. (Update: Sa tingin ko, dati syang Tour Guide kasi alam nya lahat ng pasikot-sikot sa Manila. hahahahaha)
12.) Clara: oo, kamukna nya si Clara ng Mara Clara. Pero di sya kasing maldita ni Clara ha. Bait nito. Tahimik in person pero maingay sa GM. haha. Yoko! :p
13.) Mr. Nice Guy: malakas ang pananampalataya sa Diyos. Mabait. Same kame ng course so nakakarelate kame sa isa't isa.
14.) Babe ni Payaso: oo. love na love siya ni payaso. haha. Nag-walk out sya during the ramp. ewan ko kung bakit.. pero cool ito! kamukha ni Elly Buendia ng Eheads!!!
15.)Teacher: nako, wag na wag kang magkakamali sa harap ni teacher, itatama ka nya na parang guro. haha. idol ko ito.
16.) Mr. Chef: Chef tawag ko sa kanya kasi twice ko ng natikman ang mga luto nia. Mahilig yatang magluto. Nagdala sya ng spaghetti sa office at ipinaghain kame ng tortang talong sa bahay nila. Mahilig sa shots kahit tanghaling tapat. hahaha.
17.) Ang pinaka-cool at pinaka-hot na Trainer sa balat ng lupa: need I say more? codename pa lang, it speaks everything about her na. :)
Yun, sila ang mga naging ka-close ko sa office. Parang ayaw ko na ngang umuwi ng Zamboanga because of them... Kung umabot ka sa puntong ito (which is, a miracle kasi pinagtyagaan mong basahin lahat), maaaring nagtataka ka kung anong konek ng kutsara mal labaw sa kanila? well, ako din di ko alam. Basta kinuwento ko lang sa kanila ang tungkol sa misteryosong hayop na ito. Maaaring hanggang ngayon nagtataka ka pa rin kung ano nga ba ang KUTSARA MAL LABAW? Ano nga ba?
Ang tanong ko sa'yo kaibigan: GUSTO MO BA TALAGANG MALAMAN? :))
No comments:
Post a Comment