Sabi nga nila, it takes two to dance Tango...
Pero walang kinalaman sa Tango ang isusulat ko, wala ring kinalaman sa number two... trip ko lang sabihin yan kasi ang mga katagang yan ang unang pumasok sa isip ko nung naghahanap ako ng magandang intro... maaaring wala itong halaga sa akin sa ngayon... pero anong malay natin? bukas, sa makalawa, magiging makabuluhan ito sa akin...
Uncertainties...
Yun, parating walang katiyakan ang hinaharap. Gaya ng pag-tapak ko dito sa malaking lungsod, walang katiyakan kung anong mangyayari sa akin dito.
Mag-iisang buwan na ako sa Maynila pero pakiramadam ko, ang tagal tagal ko na dito. It might be because everyday's a long day for me... Para sa isang taong hindi sanay sa bilis ng takbo ng buhay ng malaking lungsod, tiyak maninibago sya sa bawat busina ng bus na hindi makapaghintay na makatawid ang mga tao sa daan, sa tulakan at siksikan sa MRT, sa mahabang pila sa terminal ng dyip at sa bilis ng paglalakad ng mga tao sa lansangan.
May plano na ako bago pa ako tumapak dito. Syempre, determinado akong tao. Lagi akong nagpaplano. Pero gaya nga ng sinabi ko sa pangalawang pangungusap (maituturin mo bang pangungusap yun? ayoko nang sariwain ang natutunan ko sa Filipino nung hayskul), Uncertain parati ang hinaharap (hindi boobs ha). Plano kong maging english tutor ng mga Koreans... Mahilig kasi ako sa oriental eh, kaya yun ang plinano ko (haha). And aside from that, I have this penchant for teaching. So perfect na sa akin ang maging isang tutor, let alone sa Koreans (weird fascination. haha).
Siguro naman, predictable na ang kinahinatnan ng pagpunta ko dito. Obvious naman sa premise ko diba? So ayun, hindi ako naging english tutor ng mga koreans. Instead, naging call boy ako. Oo, call boy na nagtatrabaho sa gabi. Call boy na madaming customers. Call boy na sinasabihan ng "F" word (Fuck, if you wanna be blatant about it) ng mga customers. Call boy na americano ang mga customers.
Masarap ang maging call boy. Lalo na kung natutuwa sa iyo ang mga customers kasi maganda serbis mo.
Don't get me wrong. Maraming call boy at call girl dito sa Maynila. Naka-assign ako sa Ayala Avenue, Makati. Madami kaming nakapwesto dito. Madami rin sa Ortigas, sa Global City, sa Eastwood, sa McKinley Hill atbp. Ang tanging puhunan namin ay "excellent customer service" at American accent.
Hindi ko inaasahang papasok ako ulit sa ganitong trabaho (Yes, children, hindi ko 'to 1st time!), pero ine-enjoy ko na lang kung anong meron ako sa ngayon. Besides, kelangan kong maging responsable sa aking desisyon na pumunta dito at maghanap ng trabaho para makatulong sa magulang (Cheesy much?).
Uuwi na ako sa Hunyo. Babalik na ako sa simpleng pamumuhay. Pero madami pa akong matutuklasan dito, madami pa akong pwedeng ikwento. Bago ko wakasan ang blog entry na ito, mag-iiwan ako ng mga kataga:
"It takes two to dance Tango but do you know how to dance?"
Meaning? hindi ko rin alam... pero malay mo, bukas, sa makalawa, magkakaroon na ng kabuluhan ang mga katagang yan.
Monday, April 25, 2011
Manila Chronicles

Wednesday, April 20, 2011
Unang tatlong lingo sa Metro.
"Kuya, pano pong papuntang Munisipyo ng Taguig?"
"Kuya, papuntang C5 ba to?"
"Kuya, saan dito ang CR?"
"Kuya, eto na po ba ang Apo Bi?"
Yun... kabisado ko na ang sining ng pagtatanong. Bawat pagtatanong, iniensayo ko para hindi mahalatang taga ibang lungsod ako (lungsod ng Zamboanga... pero Probinsya ang tawag ng mga Manilenyo sa kahit anong lugar na hindi sakop ng Metro Manila... kahit syudad ang Zamboanga, probinsya pa rin ito para sa kanila).
Marami akong natutunan sa tatlong linggong pananatili ko dito sa Maynila. Ang blog na ito ay iniaalay ko sa mga kapwa kong taga-ibang lungsod (o probinsyano, sige na lang) na nangagailangan ng gabay sa paggala nila sa malaking lungsod.
Tip # 1: Learn the Basics: Sa Zamboanga kasi, kung papara ka ng jeep, ang kailangan mo lang gawin ay kalantugin ang kahit anong baryang meron ka sa steel bar ng jeep at gets na ni Manong driver na bababa ka na. Dito sa Maynila, kelangan mong isigaw ang "PARA!!" ng bonggang bongga. Hindi pwedeng "pah-ra" na pakiyeme-kiyeme dahil di ka maririnig ni Manong Driver... maingay ang mga kalye ng Maynila... kelangan mong sumigaw!! At tuwing iaabot mo ang bayad, ang sasabihin mo "Bayad ho!" sabay "pasuyo ho ng bayad" sa katabi.
Tip # 2: Ang pedestrian lane ay hindi PROJECT RUNWAY: di pwede ang pabagal-bagal pag tumatawid ng kalsada! Pero pwede naman ang pabagal-bagal ,yun ay kung gusto mong masagasaan. Sa Zamboanga kasi, pwede kang maglakad sa pedestrian lane, dito, kelangan mong tumakbo!!!
Tip # 3: Social Networking: Huwag kang pumunta ng Maynila kung wala kang kakilala!!! Diyos ko, mawawala ka dito! kelangan mo ng "gabay" sa simula.. pag medyo kabisado mo na ng konti ang Maynila, pwede ka ng mag-solo. Gaya ko, sa pangalawang araw ko dito, nangahas na akong mag-commute. Natutunan ko kung saan ang EDSA, ang C5 at madami pang iba...
Tip # 4: Malaki ang Metro Manila: kung may plano kang pumunta ng isang lugar na medyo malayo sa tinitirhan mo sa lungsod, kelangan mong i-consider ang travel time. Sa Zamboanga kasi, 5-10 minutes lang ang travel kung pupunta ka sa mga malls, opisina ng gobyerno, mga liwasang-bayan, etc. at usually isang sakayan lang dahil lahat ng route ng jeep ay papuntang "Town" o yung commercial district ng Zamboanga o kaya sakay ka na lang ng Tricycle (ang Taxi ng Zamboanga) kung gusto mo ng privacy. Pero dito sa MAynila, usually tatlong sakayan. Kunwari, kung pupunta ako ng Trinoma mall. Mag-aabang ako ng Jeep na papuntang Tulay sa Lawton Avenue (Fort Bonifacio) at bababa ako sa Market! Market Mall. Tapos sasakay ako ng Bus na papuntang Ayala (Makati). Tapos sasakay ako ng MRT sa Ayala tapos bababa sa North Avenue. That will take me 1 hour and 30 minutes!! see the difference?
Tip # 5: Be Inquisitive: sinimulan ko ang blog na ito sa mga tanong dahil yun ang pinaka-importante kung gusto mong mag-survive dito... syempre, pumili ka rin ng pagtatanungan mo, dapat yung mukhang reliable. Usually, sa mga sekyu kasi sila ang mas nakakaalam ng mga pasikot-sikot dito.
Ayun... sana ay nakatulong ito sa mga may balak bumiyahe o mamasyal sa Kamaynilaan. Abangan nyo't madami pa akong ibabahagi sa inyo...
Trivia: First time kong magsulat ng blog sa Tagalog kasi gusto kong mahasa ang speaking skill ko sa Tagalog. Pinag-aaralan ko din ang intonasyon at "accent" ng mga Manilenyo... :))
Subscribe to:
Posts (Atom)